Human rights or civil liberties form a crucial part of a country's constitution and govern the rights of the individual against the state. |
Ang mga karapatang pantao o mga sibil na kalayaan ay bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng konstitusyon ng isang bansa at namamahala ng karapatan ng indibidwal laban sa estado. |
Most jurisdictions, like the United States and France, have a codified constitution, with a bill of rights. |
Karamihan ng mga hurisdikyson, tulad ng Estados Unidos at Pranses, mayroong kodipikadong konstitusyon, na may kasamang katipunan ng mga karapatan. |
A recent example is the Charter of Fundamental Rights of the European Union which was intended to be included in the Treaty establishing a Constitution for Europe, that failed to be ratified. |
Ang isang kamakailang halimbawa ay ang Charter of Fundamental Rights ng European Union na isasadyang isama sa Treaty na nagpatatag ng Konstitusyon para sa Europa, na nabigong pagtibayin. |
Perhaps the most important example is the Universal Declaration of Human Rights under the UN Charter. |
Marahil ang pinakamahalagang halimbawa ay ang Universal Declaration of Human Rights na sumasailalim sa UN Charter. |
These are intended to ensure basic political, social and economic standards that a nation state, or intergovernmental body is obliged to provide to its citizens but many do include its governments. |
Ang mga ito ay sinadya upang masigurado ang payak na pampulitika, panlipunan at ekomiyang batayan na ang estado ng bansa, o ang katawang namamagitan sa pamahalaan ay obligadong magbigay sa mamamayan ngunit marami na isinasama ang kanilang mga gobyerno.
|
Some countries like the United Kingdom have no entrenched document setting out fundamental rights; in those jurisdictions the constitution is composed of statute, case law and convention. |
May ilang bansa tulad ng United Kingdom na walang pinagtibay na kasulatan na nagtatakda ng mga pangunahing karapatan; sa mga hurisdiksyon na ganoon ang konstitusyon ay binabahagi ng estatuto, batas kaso, at kumbenyson. |
A case named Entick v. Carrington is a constitutional principle deriving from the common law. |
Ang isang kaso na pinangalanang Entick v. Carrington ay isang konstitusyunal na prinsipyong nagmumula sa karaniwang batas. |
John Entick's house was searched and ransacked by Sherriff Carrington. |
Ang bahay ni John Entick ay hinalungkat at hinalughog ni Sheriff Carrington.
|
Carrington argued that a warrant from a Government minister, the Earl of Halifax was valid authority, even though there was no statutory provision or court order for it. |
Kinatwiran ni Carrington na ang patunay na galing sa isang ministro ng gobyerno, ang Earl ng Halifax ay mabisang awtoridad, kahit na walang probisyon ayon sa batas o utos ng hukuman para dito.
|
The court, led by Lord Camden stated that, |
Ang hukuman, na pinamumunuan ni Lord Camden ay nagsabi na,
|
"The great end, for which men entered into society, was to secure their property. That right is preserved sacred and incommunicable in all instances, where it has not been taken away or abridged by some public law for the good of the whole. By the laws of England, every invasion of private property, be it ever so minute, is a trespass... If no excuse can be found or produced, the silence of the books is an authority against the defendant, and the plaintiff must have judgment." |
"Ang dakilang layunin, kung saan pumasok ang mga tao sa lipunan, ay para makamtan ang kanilang ari-arian. Ang karapatan na ito ay nanatiling sagrado at di-matingkala sa lahat ng pagkakataon, kung saan hindi maiaalis o mababawasan ng isang pampublikong batas para sa ikabubuti ng lahat. Sa pamamagitan ng mga batas ng Inglatera, bawat pagsalakay ng pribadong ari-arian, na kahit gaanong kamenuskula, ay isang panghihimasok... Kung walang katwiran na maihaharap o mabibigay, ang katahimikan ng mga libro ay isang awtoridad laban sa tagapagtanggol, at ang naghahabla ay dapat husgahan." |