| Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad. |
Religion is a collection of belief and cultural systems and worldviews that connect humanity to spirituality and sometimes, morality. |
| Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. |
Many of the religions have mythology, symbols, tradition and sacred history that aims to give meaning to life or explain its origin as well as the universe's. |
| Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. |
These are derived from morality, ethics, religious laws or ways of living according to cosmology and human nature. |
| Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan. |
At present, there are around 4,200 religions. |
| Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. |
Majority of the religions have organizational ethics, leaders (such as priests and pastors), founder, a defining characteristic of being a member, sacred places and religious texts. |
| Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao. |
Religious practices include rituals, sermons, commemoration or veneration of deities, offerings, feasts, trances, initiations, funerals, matrimony, meditation, prayers, music, arts, dances or other cultural aspects. |
| Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. |
The word "religion" is sometimes used to mean "faith". |
| Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan. |
However, according to Emile Durkheim, religion is different from faith or personal and private beliefs because religion has an eminently social nature. |