Art is a diverse range of human activities in creating visual, auditory or performing artifacts (artworks), expressing the author's imaginative or technical skill, intended to be appreciated for their beauty or emotional power. |
Ang sining ay isang malawak na hanay na gawaing pantao sa paglikha ng biswal, pandinig, o pagtatanghal na likhang-sining na nagpapahayag ng malikhaing imahinasyon o husay ng may-akda, na nilalayong pahalagahan dahil sa taglay nitong ganda o emosyonal na bisa. |
In their most general form these activities include the production of works of art, the criticism of art, the study of the history of art, and the aesthetic dissemination of art. |
Sa pinakapangkalahatang anyo, kabilang sa mga gawaing ito ang paggawa ng mga likhang-sining, ang pagsusuri sa sining, ang pag-aaral ng kasaysayan ng sining, at ang masining na pagpapalaganap nito.
|
The oldest documented forms of art are visual arts, which include creation of images or objects in fields including today painting, sculpture, printmaking, photography, and other visual media. |
Ang pinakamatandang naitalang anyo ng sining ay ang biswal na sining, na kinabibilangan ng paglikha ng mga imahe o bagay sa mga larangang tulad ng pagpipinta, eskultura, paglilimbag, potograpiya, at iba pang biswal na midya. |
Music, theatre, film, dance, and other performing arts, as well as literature and other media such as interactive media, are included in a broader definition of art or the arts. |
Ang musika, teatro, pelikula, sayaw, at iba pang pagtatanghal na sining, gayundin ang panitikan at iba pang midya tulad ng interaktibong midya, ay kabilang sa mas malawak na depinisyon ng sining o mga sining. |
In modern usage after the 17th century, where aesthetic considerations are paramount, the fine arts are separated and distinguished from acquired skills in general, such as the decorative or applied arts. |
Sa makabagong paggamit matapos ang ika-17 siglo, kung saan pangunahing isinasaalang-alang ang estetika, ang mga pinong sining ay inihiwalay at itinangi mula sa karaniwang kasanayang natututuhan, gaya ng pandekoratibo o aplikadong sining. |
Art may be characterized in terms of mimesis (its representation of reality), narrative (storytelling), expression, communication of emotion, or other qualities. |
Maaaring ilarawan ang sining batay sa mimetis (ang representasyon nito ay realidad), salaysay (pagsasalaysay ng kwento), pagpapahayag, komunikasyon ng damdamin, o iba pang katangian. |
The nature of art and related concepts, such as creativity and interpretation, are explored in a branch of philosophy known as aesthetics. |
Ang likas na katangian ng sining at mga kaugnay na konsepto tulad ng pagkamalikhain at interpretasyon ay pinag-aaralan sa isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na estetika. |