Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad. |
A religion is a set of belief systems, cultural systems and worldviews that connects humanity to spirituality and sometimes moral. |
Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. |
Many religions have myths, symbols, traditions and sacred histories that aims to provide meaning in life or to explain the source of life or the universe. |
Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. |
These draws morality, ethics, religious laws or living from its ideas of cosmos and human nature. |
Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan. |
It is estimated that there are 4,200 religions in the world today. |
Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. |
Most religions have organized behaviors, leaders (such as priests and pastors) or founder, a definition of what constitutes membership or compliance, holy places and religious writings. |
Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao. |
The practice of religion includes also rituals, sermons, memorials or veneration of a god, gods or goddesses, sacrifices, feasts, transiya, the inisiasyon, the funeral, the wedlock, meditation, prayer, music, art, dance, or other aspects of human culture. |
Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. |
The word religion is sometimes used to replace the faith. |
Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan. |
However, according to Emile Durkheim, religion is different from faith or self belief or privacy because the religious beliefs are a unique social. |