About Me
- Philippines
- Joined over 2 years ago
- games, linguistics, copyediting
- ProZ.com
- PayPal
- United States Dollar (USD - $)
- Manila
$0.03 to $0.08/ word*
32-year resident of the Philippines with 15 years of experience in book editing and translation. Expert in English, Tagalog, and other Philippine languages.
*The listed rates are a general range for this translator. Every project is different and many factors affect translation rates including the complexity of your source text, file format, deadline, etc. Please contact this translator with the details of your translation job for a more specific rate quote. Rates on TM-Town are always listed as USD for consistency. A translator may have a different preferred currency.
60
Translation Units
0
Term Concepts
Top Fields of Expertise
localization
academic
linguistics
My Work
Sample Translation Localization
Localization Sample Translation
Source (English) | Target (Tagalog) |
---|---|
Dialects | Diyalekto |
At present, no comprehensive dialectology has been done in the Tagalog-speaking regions, though there have been descriptions in the form of dictionaries and grammars of various Tagalog dialects. | Sa kasalukuyan, wala pang malawakang pag-aaral ng mga diyalekto sa mga rehiyong nagsasalita ng Tagalog, bagaman may mga paglalarawan na sa anyo ng mga diksiyonaryo at gramatika ng iba't ibang diyalekto ng Tagalog. |
Ethnologue lists Lubang, Manila, Marinduque, Bataan, Batangas, Bulacan, Tanay-Paete (Rizal-Laguna), and Tayabas as dialects of Tagalog; however, there appear to be four main dialects, of which the aforementioned are a part: Northern (exemplified by the Bulacan dialect), Central (including Manila), Southern (exemplified by Batangas), and Marinduque. | Inililita ng Ethnologue na ang Lubang, Maynila, Marinduque, Bataan, Batangas, Bulacan, Tanay-Paete (Rizal-Laguna), at Tayabas ay mga diyalekto ng Tagalog; gayunpaman, tila may apat na pangunahing diyalekto, kung bahagi saan ang mga nabanggit: Hilaga (na ipinapakita ng diyalektong Bulacan), Gitna (kabilang ang Maynila), Timog (na ipinapakita ng Batangas), at Marinduque. |
Some example of dialectal differences are: | Narito ang ilang halimbawa ng pagkakaiba sa mga diyalekto: |
Many Tagalog dialects, particularly those in the south, preserve the glottal stop found after consonants and before vowels. | Maraming diyalekto ng Tagalog, lalo na sa mga nasa timog, ang nagpepreserba ng impit na tunog na matatagpuan pagkatapos ng mga katinig at bago ang mga patinig. |
This has been lost in Standard Tagalog. | Ito ay nawala na sa Istandard na Tagalog. |
For example, standard Tagalog ngayón (now, today), sinigáng (broth stew), gabí (night), matamís (sweet), are pronounced and written ngay-on, sinig-ang, gab-i, and matam-is in other dialects. | Halimbawa, ang Istandard na Tagalog na ngayón (now, today), sinigáng (broth stew), gabí (night), matamís (sweet), ay binibigkas at isinusulat bilang ngay-on, sinig-ang, gab-i, at matam-is sa ibang diyalekto. |
In Teresian-Morong Tagalog, [ɾ] is usually preferred over [d]. | Sa Teresian-Morong Tagalog, karaniwan ang paggamit ng [ɾ] kaysa [d]. |
For example, bundók, dagat, dingdíng, and isdâ become bunrók, ragat, ringríng, and isrâ, e.g. "sandók sa dingdíng" becoming "sanrók sa ringríng". | Halimbawa, ang bundók, dagat, dingdíng, at isdâ ay nagiging bunrók, ragat, ringríng, at isrâ, tulad ng "sandók sa dingdíng" na nagiging "sanrók sa ringríng." |
In many southern dialects, the progressive aspect infix of -um- verbs is na-. | Sa maraming diyalekto sa timog, ang panlapi ng pandiwang -um- sa progresibong aspekto ay na-. |
For example, standard Tagalog kumakain (eating) is nákáin in Quezon and Batangas Tagalog. | Halimbawa, ang Karaniwang Tagalog na kumakain (kumakain) ay nagiging nákáin sa Quezon at Batangas Tagalog. |
This is the butt of some jokes by other Tagalog speakers, for should a Southern Tagalog ask nákáin ka ba ng patíng? | Ito ay nagiging paksa ng ilang biro mula sa ibang mga nagsasalita ng Tagalog, dahil kung ang isang Tagalog sa Timog ay magtanong ng nákáin ka ba ng patíng? |
("Do you eat shark?"), he would be understood as saying "Has a shark eaten you?" by speakers of the Manila Dialect. | ("Kumakain ka ba ng pating?"), ito ay mauunawaan bilang "Kinain ka na ba ng pating?" ng mga nagsasalita ng diyalektong Manila. |
Some dialects have interjections which are considered a regional trademark. | Ang ilang diyalekto ay may mga pandamdam na itinuturing na tatak ng isang rehiyon. |
For example, the interjection ala e! usually identifies someone from Batangas as does hane?! | Halimbawa, ang pandamdam na ala e! ay karaniwang nagpapakilala ng isang tao mula sa Batangas, gayundin ang hane?! |
in Rizal and Quezon provinces. | sa mga probinsya ng Rizal at Quezon. |
Perhaps the most divergent Tagalog dialects are those spoken in Marinduque. | Marahil ang pinaka-hindi magkakawangis na mga diyalekto ng Tagalog ay ang mga sinasalita sa Marinduque. |
Linguist Rosa Soberano identifies two dialects, western and eastern, with the former being closer to the Tagalog dialects spoken in the provinces of Batangas and Quezon. | Tinukoy ng lingguwista na si Rosa Soberano ang dalawang diyalekto, kanluran at silangan, kung saan ang una ay mas malapit sa mga diyalektong Tagalog na sinasalita sa mga probinsya ng Batangas at Quezon. |
One example is the verb conjugation paradigms. | Isang halimbawa ay ang mga padron ng pagbabanghay ng pandiwa. |
While some of the affixes are different, Marinduque also preserves the imperative affixes, also found in Visayan and Bikol languages, that have mostly disappeared from most Tagalog early 20th century; they have since merged with the infinitive. | Habang ang ilan sa mga panlapi ay magkaiba, pinanatili rin ng Marinduque ang mga pang-utos na panlapi na matatagpuan din sa mga wikang Bisaya at Bikol na halos nawala na sa karamihan ng Tagalog noong unang bahagi ng ika-20 siglo; ang mga ito ay humalo na sa pawatas. |
According to the Philippine Statistics Authority, as of 2014 there were 100 million people living in the Philippines, where almost all of whom will have some basic level of understanding of the language. | Ayon sa Philippine Statistics Authority, noong 2014, may 100 milyong tao na nakatira sa Pilipinas, kung saan halos lahat ay may batayang antas ng pag-unawa sa wika. |
The Tagalog homeland, Katagalugan, covers roughly much of the central to southern parts of the island of Luzon—particularly in Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Quezon, Rizal and large parts of Zambales. | Ang lupang tinubuan ng mga Tagalog, Katagalugan, ay sumasaklaw sa malaking bahagi ng gitnang hanggang timog na bahagi ng isla ng Luzon—partikular sa Aurora, Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Manila, Nueva Ecija, Quezon, Rizal, at malaking bahagi ng Zambales. |
Tagalog is also spoken natively by inhabitants living on the islands, Marinduque, Mindoro, and medium areas of Palawan. | Ang Tagalog ay sinasalita rin ng mga katutubong naninirahan sa mga isla, Marinduque, Mindoro, at malalaking bahagi ng Palawan. |
It is spoken by approximately 64 million Filipinos, 96% of the household population; 22 million, or 28% of the total Philippine population, speak it as a native language. | Ito ay sinasalita ng humigit-kumulang 64 milyong Pilipino, 96% ng populasyon ng sambahayan; 22 milyon, o 28% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas, ang nagsasalita nito bilang katutubong wika. |
Tagalog speakers are found in other parts of the Philippines as well as throughout the world, though its use is usually limited to communication between Filipino ethnic groups. | Ang mga nagsasalita ng Tagalog ay matatagpuan din sa iba pang bahagi ng Pilipinas gayundin sa buong mundo, bagaman ang paggamit nito ay karaniwang limitado sa komunikasyon sa pagitan ng mga etnikong Pilipino. |
In 2010, the US Census bureau reported (based on data collected in 2007) that in the United States it was the fourth most-spoken language at home with almost 1.5 million speakers, behind Spanish or Spanish Creole, French (including Patois, Cajun, Creole), and Chinese. | Noong 2010, iniulat ng US Census Bureau (batay sa mga datos na nakolekta noong 2007) na sa Estados Unidos ito ang pang-apat na pinakaginagamit na wika sa bahay na may halos 1.5 milyong nagsasalita, kasunod ng Espanyol o Espanyol Creole, Pranses (kabilang ang Patois, Cajun, Creole), at Intsik. |
Tagalog ranked as the third most spoken language in metropolitan statistical areas, behind Spanish and Chinese but ahead of French. | Ang Tagalog ay nasa ikatlong puwesto sa pinakaginagamit na wika sa metropolitan statistical areas, kasunod ng Espanyol at Intsik ngunit nauna sa Pranses. |
Accents | Punto |
The Tagalog language also boasts accentations unique to some parts of Tagalog-speaking regions. | Ang wikang Tagalog ay mayroon ding mga punto na natatangi sa ilang bahagi ng mga rehiyong nagsasalita ng Tagalog. |
For example, in some parts of Manila, a strong pronunciation of i exists and vowel-switching of o and u exists so words like "gising" (to wake) is pronounced as "giseng" with a strong 'e' and the word "tagu-taguan" (hide-and-go-seek) is pronounced as "tago-tagoan" with a mild 'o'. | Halimbawa, sa ilang bahagi ng Maynila, mayroong malakas na bigkas ng "i" at palitan ng patinig na "o" at "u" kaya ang mga salitang gising (gumising) ay binibigkas bilang "giseng" na may malakas na 'e' at ang salitang "tagu-taguan" (hide-and-go-seek)) ay binibigkas bilang "tago-tagoan" na may banayad na 'o'. |
Batangas Tagalog boasts the most distinctive accent in Tagalog compared to the more Hispanized northern accents of the language. | Ang Batangas Tagalog ay may pinakakilalang punto sa Tagalog kumpara sa mas Hispanisadong hilagang aksento ng wika. |
The Batangas accent has been featured in film and television and Filipino actor Leo Martinez speaks this accent. | Ang puntong Batangas ay itinampok na sa pelikula at telebisyon, at ang aktor na Pilipino na si Leo Martinez ay gumagamit ng aksentong ito. |
Martinez's accent, however, will quickly be recognized by native Batangueños as representative of the accent in western Batangas which is milder[who?] compared to that used in the eastern part of the province. | Ang punto ni Martinez, gayunpaman, ay mabilis na makikilala ng mga katutubong Batangueño bilang kinatawan ng punto sa kanlurang Batangas na mas banayad kumpara sa ginagamit sa silangang bahagi ng probinsya. |
Code-switching | Code-switching |
Taglish and Englog are names given to a mix of English and Tagalog. | Ang Taglish at Englog ay mga pangalang ibinibigay sa halo ng Ingles at Tagalog. |
The amount of English vs. Tagalog varies from the occasional use of English loan words to outright code-switching, where the language changes in mid-sentence. | Ang dami ng Ingles kumpara sa Tagalog ay nag-iiba mula sa paminsan-minsang paggamit ng mga hiram na salita sa Ingles hanggang sa tahasang pagbabago ng wika sa kalagitnaan ng pangungusap. |
Such code-switching is prevalent throughout the Philippines and in various languages of the Philippines other than Tagalog. | Ang ganitong code-switching ay laganap sa buong Pilipinas at sa iba't ibang mga wika ng Pilipinas bukod sa Tagalog. |
Code Mixing also entails the use of foreign words that are Filipinized by reforming them using Filipino rules, such as verb conjugations. | Ang code mixing ay nagsasangkot din ng paggamit ng mga banyagang salita na isinasalin sa Filipino sa pamamagitan ng pag-reformat ng mga ito gamit ang mga alituntunin ng Filipino, tulad ng mga pagbabanghay ng pandiwa. |
Users typically use Filipino or English words, whichever comes to mind first or whichever is easier to use. | Karaniwang gumagamit ang mga nagsasalita ng katagang Pilipino o Ingles, alinman ang unang pumasok sa isipan o alinman ang mas madaling gamitin. |
"Magshoshopping kami sa mall. Sino ba ang magdadrive sa shopping center?" | "Magshoshopping kami sa mall. Sino ba ang magdadrive sa shopping center?" |
"We will go shopping at the mall. Who will drive to the shopping center?" | "Magsha-shopping kami sa mall. Sino ba ang magda-drive sa shopping center?" |
City-dwellers, the highly educated, and people born around and after World War II are more likely to do this. | Ang mga tagalungsod, may mataas na pinag-aralan, at mga ipinanganak sa kasagsagan at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mas malamang na gawin ito. |
The practice is common in television, radio, and print media as well. | Ang ganitong gawain ay karaniwan sa telebisyon, radyo, at print media. |
Advertisements from companies like Wells Fargo, Wal-Mart, Albertsons, McDonald's, and Western Union have contained Taglish. | Ang mga patalastas mula sa mga kumpanya tulad ng Wells Fargo, Wal-Mart, Albertsons, McDonald's, at Western Union ay naglalaman ng Taglish. |
Phonology | Ponolohiya |
Tagalog has 33 phonemes: 19 of them are consonants and 14 are vowels. | Ang Tagalog ay may 33 ponema: 19 sa mga ito ay katinig at 14 ay patinig. |
Syllable structure is relatively simple, being maximally consonant-ar-vowel-consonant, where consonant-ar only occurs in borrowed words such as trak "truck" or sombréro "hat". | Ang istruktura ng pantig ay medyo simple, na karaniwang katinig-ar-patinig-katinig, kung saan ang katinig-ar ay nagaganap lamang sa mga hiram na salita tulad ng trak "truck" o sombréro "hat". |
Vowels | Patinig |
Tagalog has ten simple vowels, five long and five short, and four diphthongs. | Ang Tagalog ay may sampung simpleng patinig, limang mahaba at limang maikli, at apat na diptonggo. |
Before appearing in the area north of Pasig river, Tagalog had three vowel qualities: /a/, /i/, and /u/. | Bago lumitaw sa parteng hilaga ng ilog Pasig, ang Tagalog ay may tatlong katangian ng patinig: /a/, /i/, at /u/. |
This was later expanded to five with the introduction of words from Northern Philippine languages like Kapampangan and Ilocano and Spanish words. | Ito ay pinalawak sa lima sa pagdating ng mga salita mula sa mga Hilagang Pilipinong wiki tulad ng Kapampangan at Ilokano at mga salitang Kastila. |
They are: | Ang mga ito ay: |
/a/ an open central unrounded vowel roughly similar to English "father"; in the middle of a word, a near-open central vowel similar to Received Pronunciation English "cup" | /a/ isang bukas na gitna at di-pabilog na patinig na halos katulad ng English "father"; sa gitna ng isang salita, isang di gaanong bukas na gitnang patinig na katulad ng Received Pronunciation English "cup" |
/ɛ/ an open-mid front unrounded vowel similar to General American English "bed" | /ɛ/ isang bukas na gitnang-unahan at di-pabilog na patinig na katulad ng General American English "bed" |
/i/ a close front unrounded vowel similar to English "machine" | /i/ isang saradong unahan at di-pabilog na patinig na katulad ng Ingles na "machine" |
/o/ a close-mid back rounded vowel similar to General American English "sole" or Philippine English "forty" | /o/ isang saradong gitnang-hulihan at di-pabilog na patinig na katulad ng General American English "sole" o Philippine English "forty" |
/u/ a close back rounded vowel similar to English "flute" | /u/ isang saradong hulihan na patinig na katulad ng Ingles na "flute" |
Nevertheless, simplification of pairs [o ~ u] and [ɛ ~ i] is likely to take place, especially in some Tagalog as second language, remote location and worker class registers. | Gayunpaman, ang pagpapasimple ng mga pares [o ~ u] at [ɛ ~ i] ay malamang na maganap, lalo na sa ilang Tagalog bilang pangalawang wika, malalayong lokasyon, at rehistro ng uring manggagawa. |
The four diphthongs are /aj/, /uj/, /aw/, and /iw/. | Ang apat na diptonggo ay /aj/, /uj/, /aw/, at /iw/. |
Long vowels are not written apart from pedagogical texts, where an acute accent is used: á é í ó ú. | Ang mga mahahabang patinig ay hindi isinusulat maliban sa mga tekstong panturo, kung saan ginagamit ang isang pahilis na tudlik: á é í ó ú. |
My Experience
Experience
15 yrs.
Education
- 2015 LITD at Ateneo de Naga University
Philippines
Unavailable Today
November 2024
Sun. | Mon. | Tues. | Wed. | Thurs. | Fri. | Sat. |
---|---|---|---|---|---|---|
27
|
28
|
29
|
30
|
31
|
1
|
2
|
3
|
4
|
5
|
6
|
7
|
8
|
9
|
10
|
11
|
12
|
13
|
14
|
15
|
16
|
17
|
18
|
19
|
20
|
21
|
22
|
23
|
24
|
25
|
26
|
27
|
28
|
29
|
30
|